Status: In a relationship
Written on 12:44 AM by eLectroStatic
This is the first post that is written in english. Just for a change. This is some random things I miss being in a relationship. Single is sexy. (laslas mode)
game.
I miss greeting someone good morning/good evening/good night.
It is part of my daily routine that i should never forget. Just a way of telling you that you make my everyday.
I miss picking up.
Like a knight in shining armor, I'll always be there when you need someone to be with. I will accompany you wherever you want to go.
I miss talking about all my out-of-this world ideas.
You accept me for who i am. You listen and comprehend with all the weird things that runs through my mind.
I miss being an addict.
Just like a once-a-day tablet. I need to see you, to talk with you, or to cuddle with you within a day.
I miss preparing a suprise.
It's like the end of the world for me if I don't make it a big and meaningful suprise. If only you could see what I've been through and coming out in the end that it looks like it's effortless for me.
I miss wiping away a stain of food into her shirt.
It's one way for me making you feel your very important. So don't worry about a thing, i'll take care of it for you.
I miss being jealous.
It heats up my head up when i see a random guy goes to you and tries to talk and touch you. Knowing that he has a hidden agenda to you, I want to spit to his face and say that this precious thing doesn't need to be stained by his filthy hands.
I miss saying sorry.
Whenever we argue about something, the next day we can't even talk to each other. I miss it when we do our best to fix the misunderstanding between us. We'll do everything just to say to each other that we're sorry.
I miss doing stupid things.
Its like our laughs will never end whenever we are together. Wherever we go seems like a factory of fun. Whatever we do seems so hilarious, even the corniest joke in the face of the planet cracks us.
I miss sniffing a unique scent.
I can't help myself sniffing you. Your scent means something to me. I sniff my bag, my cloth and even the used paper you left, just to smell your scent again. It may look stupid but I'm just being me.
I miss the times when someone acts stupid for me.
Nothing comes to my mind but the thought that you are the cutest and the sweetest creation in the world when you act that way. I know your telling me that you are ready to do anything just to make me feel special.
I miss holding hands.
The touch of your hands takes away all of my insecurities. I feel calm when you stop just to touch my hands. It feels like all my loads of problem is gone with just a simple sensation that you made.
I miss feeling a warmth.
The heat of the sun meant nothing compare to your warmth. A hot yet comforting feeling. When we start to cuddle, it's hard to separate from each other.
I miss seeing tears.
Whenever you feel down, i always give you a hug and let your tears flow down through my shirt. I can be your anything. You can pour all your sadness and anger to me.
I miss calling names.
It's our way of saying that you are mine and i am yours. Only the two of us know what those names' meaning.
I miss kissing.
Your kiss was the first out-of-this-world experience for me. It's like a feeling i've never felt before. All the wonderful things in this world was compressed to those tiny lips of yours.
I miss saying "I love you."
Do i need to explain this? Its all to it.
Writer's note: my bleed is nosing. (drip drip)

Kwentong walang saysay.
Written on 3:14 AM by eLectroStatic
Unang linya pa lang hinde ko na alam ang ilalagay ko. Eto ay inaalay ko sa kapateed~ ko na katulad ko din sigurong nababagot ngayon. Sana ay malibang ka sa isusulat kong ito kung babasahin mo man. Sana hinde mo pagsisihan ang ilang minutong masasayang mo sa pagbabasa nito. Ngayon pa lang humihinge na ko ng pasensya dahil sa tingen ko wala kang makukuhang aral dito at siguradong masasayang ko lang ang oras mo. -_-
Pero teka, nahihirapan akong isipin ang mga ilalagay dito. Isang maikling kwento ba? listahan ng utang? Mga bagay na walang kwenta? Ano nga? Ah ewan, sige bahala na kung ano ang maisulat ko dito. Isipin ko na lang na bibitayin na ko bukas kaya kelangan kong tapusin ito bago maghatinggabi.
ok game.
dear kapateed, kamusta ka na? alam mo ba, ilang minuto din akong natigil sa linyang to dahil naubusan ako ng sasabihin. Sige itutuloy ko na. Hmmm, ano kaya ginagawa mo ngayon? Hulaan ko. hmmmmmmmm. Wala hinde ko alam. Mahina ang stalker powers ko ngayon. Kwentuhan na lang kita ng mga walang saysay na bagay na napapansin ko.
Chicken doodles. Naalala ko lang ang almusal mo nung isang araw. With egg pa yun diba? Dati din akong masugid na tirador ng mga Pancit canton at Noodles sa tindahan. Sa halagang bente pesos makakabili na ko ng dalawang pansit canton na may kasamang RC cola. Katorse ang dalawang lucky me pancit canton at sais pesos naman ang isang RC cola na maliit. Maumay-umay na ko nun sa busog. Minsan naman dalawang lucky me noodles naman. Dalawang chicken flavor. Ayoko kasi nung beef, masyadong malasa. Sa halagang disi-sais pesos, may dalawang lucky me noodles na ko. Kaso walang kasamang drinks. Ok lang kasi may sabaw naman yung noodles e. Pero hinde ko sila sabay niluluto. Paisa-isa lang muna para sa gabi meron pa. Ayan may nalaman ka nanaman isang walang katuturang bagay sa buhay ko.
Cheetah. Eto yung nginangata ko buong gabi kahapon. Makunat na siya. Napagod ang gilagid ko kakanguya. Inaabot ng limang minuto bago ko madurog ang isang piraso niya. At sa sobrang alat niya tingen ko may sakit na ko sa bato. Wag naman sana.
Alam mo ba? Ayokong ayoko umuulan kapag may pasok. Kasi naiireta ko kapag nababasa ako. Hinde naman sa hinde ako naliligo pero ayoko lang talagang mabasa ng tubig ulan. Hinde siya kumportable sa pakiramdam. Parang nakakadire gumalaw kapag nababasa ang damit ko ng angge ng ulan. Lalo na kapag lalakarin ko na mula central station hanggang intramuros. Nako dyahe! Parang gusto ko na lang umuwe o kaya hatakin yung prof ko sa labas at siya ang hayaan ko mabasa. Wala lang naikwento ko lang. Nagbuhos ng sama ng loob hehe.
Kanina ko pa gustong iumpog ang sarile ko sa pader. Wala lang, galit ako sa pader. kasi sa dami dami ng bagay naging pader pa siya. Wala ng saysay ang sinasabe ko. Epekto ng walang tulog. Nagugutom na din ako. Pagpasensyahan mo na.
Kwek-kwek. Nabanggit ko nanaman to. Kasi sabi mo ililibre mo ko kapag nagkita tayo. haha! (pinapaalala ko lang). May natuklasan akong bago sa kwek-kwek, at yun ay ang pagsawsaw sa suka at yung sarsang tinimpla ng tindero na sigurado ako ng siya lang ang nakakaalam kung paano magtimpla nun. (Well, pagdasal mo na lang na magaling magtimpla yung bibilihan mo hehe). Yun lang.
Pisbol at kikiam. Meron sa intramuros, at suki din ako nito. Hinde ko alam kung ano tawag dun sa mala-bahay na itsura na yun. Parang store cart ata. Kasi hinde naman siya yung pipitsugin na kariton na madalas mong nakikita sa mga kanto. Mobile kariton na siya na parang bahay. Maliit lang siya. Asteeg nga e. Mabalik sa Pisbol at kikiam. Meron kaming tinatawag dito na "Mix". Yun yung magkasamang pisbol at kikiam sa isang stick. Sa halagang 5pesos, meron ka nang tatlong pisbol at isang pirasong jumbo kikiam. At may libre pang amusement yun dahil hahanga ka sa bilis ng kamay ni ate sa paggawa nun. Para bang pinanganak siyang may ganun talento. Siguro kaya nyang gumawa ng 200+ na mix sa loob lang ng 30mins. Meron pa, ang 3 sawsawan ng masa. Kung masusubukan mong kumain ng mix asahan mo na ipasusubok ko sayo lahat ng tatlong sawsawan na yun. Parang ganto yun e, easy, medium at hard. Parang video game diba? Kung pinili mo ang easy, ang sawsawan na tama lang. Malalasahan mo ang sarap at siguradong uulit ka pa ng isa pang mix. Isang matamis na sauce lang yun na may halong secret ingredients. Kung gusto mo naman eh yung medyo may challenge, subukan mo ang medium. ito ay ang matamis na sawsawan na may halong kalamansi na kasama ang buto at balat. Dahil siguradong may sasamang buto ng kalamansi sa mix mo kapag nagsawsaw ka dito. Ang dami nung kalamansi, kapansin-pansin. Kung ika'y palaban at tatanggapin ang kahit anong hamon. Yung tipong kaya mong makipagsabayan sa mga castaways ng survivors o di kaya'd kayang tanggapin ang kahit anumang hamon sa pinoy fear factor, subukan mo ang hard. Ang isang garapon ng sili at kalamansi na hinaluan ng matamis na sawsawan. Oo baliktad, yung sawsawan ang inihalo. Naliligo sa buto ng sili, buto ng kalamansi, balat ng sili ang garapon nito. Kapag natikman mo to siguradong mapapasigaw ka at mapapamura sa sobrang anghang! as in! pare! Mapapabili ka kagad ng isang litrong softdrinks sa malapit na tindahan. At kulang pa yun para mawala ang anghang. Aabutin siguro ng ilang oras bago mawala at makalimutan mo ang lasa nito. Isang binyag para sa mga 1st time mix-eaters na matikman ang sobrang anghang na sauce na yun. At dahil natikman mo na yun, meron ka ng pahintulot para mag-aya ng mga kakilala mo na hinde pa nakakatikim dun. Pwede mo din na iganti sa kanila ang sarap nanaramdaman mo sa mga sauce. (it's payback time beybeh!)
Tambayan ko. Tinatawag itong "kantunan" sa eskwelahan namin. Dahil sa isang iskinita tabi mismo ng eskwelahan ay isang hilera ng mga mobile store cart na parang bahay (mas malaki kesa sa mix cart) ang nagtitinda ng sari-saring lucky pancit canton at nissin yakisoba. Sari-saring pare-pareho. At may mga side vendors din ng mga yosi at kendi. Dito sa lugar na ito mo makikita ang mga estudyanteng matipid at may bisyo. Dahil sa mura lang ang pagkain dito at kumportable ang mga estudyanteng medyo hinde masipag mag-aral dito. Siguro isa din ako sa kanila dahil dito ko kumakain at minsan tumatambay na din. Hinde lang puro panset ang tinitinda dito. Ngayon kasama na sa menu ang rice with ulam. Pasensya na kung hinde ko masabi dito ang kumpletong menu ng lahat ng stalls dun. Yung sa mga suki na lang namin.
Ate Digna. Siya ang kilalang may-ari ng stall na kinakainan namin ng barkada. Siya ay palangiti at alam kung pano humatak ng mga customer, lalo na kung freshmen pa ang mga ito. Pangatlong tindahan siya mula sa bungad ng iskinita. Siguradong hinde mo siya malalampasan dahil babatiin ka kagad niya ng may matining na boses ng "Kaeeeeen, kaen ka?". Si Ate Digna ay may lahing ilokano, (ilokano nga ba yun?). Napansin ko dahil nung isang beses ako bumili ng sparkle, narinig ko ang sinabi nya. "SPARKOL!". Oo, wag mo sanang pagtawanan. Kasi pawang katotohanan ang sinasabi ko. Di ba ilokano yun ganung punto? At nung kalaunan, sinabi na din saken ng barkada kong ilokano na magkababayan sila ni Ate Digna.
Mapunta tayo sa menu ni Ate Digna. Siyempre kasama dun ang Lucky me Pancit Canton, all flavors, at Nissin Yakisoba, all flavors din. Hinde pwedeng mawala yun dahil siguradong mapapatalsik sila dun kapag hinde sila nagbenta ng pansit. Andiyan din ang foot-long. Madalas ang inoorder ng estudyante ay half-long na whole. *labo*. Ewan ko, narinig ko lang e. Meron din spateggi with secret ingredients sauce. At ang huli ay ang "W/egg w/rice w/drinks menu". Isa-isahin ko sila teka.
Canton at Yakisoba. Eto ang pinakamalakas na kumita sa mga binebenta dun. Dalawang pancit plain, dalawang kalamansi, dalawang chilimansi. Yan ang regular combo ng mga pansit. Sa mga yakisoba naman, dalawang spicy chicken at dalawang beef. Kung gusto mo ay medyo kakaiba, pwede rin ang pancit-yakisoba combination. Parang fushion, goku at vegetta naging Gogita. Ikaw na bahala kung ano ang gusto mong pagsamahin. Sa ibang tindahan sumasayaw pa ang nagluluto habang binubuksan ang mga pancit canton. (pinapalo nila para pumutok ito at mabuksan ng tama. *pop*). Sa entertainment section yun. Pwede mo din haluan ng coleslaw ang pancit mo.
Spagetti w/ half-long. Isa din yan sa mga mabentang kumbinasyon ng menu. Kapag sawa na kami sa canton at yakisoba, meron pang spaghetti pamalit. Syempre bawal kumain ng spaghetti kapag gutom, kaya kelangan mong sabayan ng half-long. Saka para sulit talaga.
W/egg W/rice W/drinks menu. Malakas ang benta nito kapag sa tanghalian. May dahilan kung bakit ganyan ang tawag ko diyan. Lahat kasi ng ulam na pagpipilian ay karugtong yan w/egg w/rice w/drinks na yan (rofl). Natawa talaga kami nung una namin makita yan ng barkada. Asteeg e, catchy. Panghatak ng masa. Oorder ka ng ulam, kunwari tapa. Kelangan ganto ang sabihin mo. "Ate tapa w/egg w/rice w/drinks." Oo kelangan kumpleto. Kung hinde di ka mapapansin ni Ate. pero pauso ko lang yun, baka gawin mo nga. Ang mga ulam ay Tapa, tocino, chicken, Tuna, corned beef at sisig. Kung ako tatanungin mo, ang peborit ko sa lahat ay ang sisig nila. Sisig kapampangan daw yun kaya masarap. Ewan ko ba, ang sarap niya e. Kahit nag-umagahan na ko sa bahay, kumakain pa din ako dun pagtapos ng 1st class ko ng 730-9am. At nakaka 2 1/2 rice ako lage. Grabe. Minsan pinagtitinginan na ko dun ng mga ibang suki dahil ang tagal ko kumain. Hinde kasi halata sa katawan ko na malakas ako kumain. boo!
Ayan, tapos ko na ang aking kwento. Sana nalibang ka kahit papaano. At 10:30pm lang, maaga ko sa deadline na 12am. O siya, sa susunod ko na lang ikukuwento yung ibang tambayan ko dun kapateed~. *powerhugs*

[Please insert title here]
Written on 5:26 PM by eLectroStatic
Aaminin ko sa inyo na walang kwenta itong babasahin niyo (kung babasahin niyo nga). Kung iniisip niyo na may mapupulot kayong aral dito, pwes nagkakamali kayo. Wala itong tema o kahit anong topic. Kung ano lang ang maisip ko yun lang ang ilalagay ko. Magandang araw at pasensya na sa abala. *bow*
Almusal. Ito ang pinaka-importanteng pagkain dapat kainin ng isang nilalang sa araw-araw. Dahil daw dito tayo kumukuha ng enerhiyang kelangan natin para sa buong araw. Mabilis din daw ang metabolism natin sa umaga kaya natutunaw ng maigi ng ating katawan ang pagkain isinubo at nilunok natin sa umaga. Mas nakakagawa daw ng maraming protina ang ating katawan dahil sa almusal. Kaya ewan ko ba kung bakit yung iba hinde kumakain ng almusal? Ako nga asar na asar na kapag hinde ako nakapag-almusal. Badtrip pa lalo pag-upo ko sa lamesa at wala kang makitang pagkain. Para bang maihahambalos ko ang lamesa gamit ang kanang kamay ko at ibabalibag ko naman ang upuan gamit ang kaliwang kamay ko. Tapos nagmamadali pa ako dahil late na ko sa school. Bad vibes na araw. (T_T)
Jeep. Siguro naranasan mo nang malibre sa jeep. Siyempre naman, sino bang hinde? Isang malaking pagkabagabag ang nararamdaman ko. Isang malaking misteryo kasi yung kapag may nakasabay ka sa jeep na kakilala mo na hinde naman kayo masyadong malapit sa isa't-isa tapos bigla ka na lang niyang ililibre ng pamasahe. Siya pa yung tipo na isang beses mo lang ata kinausap sa buong buhay mo. Kahit na ang pamasahe mo ay kasing halaga ng tatlong balik na halaga ng pamasahe niya, pilit ka pa din niyang ililibre.
Ang galing nga e, automatic yun, bigla-bigla na lang siyang bubunot ng pera kapag nakita ka na nya. Tatanungin ka niya bigla "Sa'n ka bababa?". Tapos ikaw naman makikipag-unahan din sa pagbunot dahil nahihiya ka na ilibre niya. Instant closeness kagad kayo, kakamustahin ka niya na para bang naging matalik kayong magkaibigan sa nakaraan. Sari-saring tanong na ikagugulat mo, kasi ang dami niyang alam sa iyo o sa pamilya mo.
Sige nga kung sino man ang nagbabasa nito ngayon at may kaalaman tungkol sa bagay na ito ay paki-eksplena mo sa akin kung bakit sa tuwing may makakasabay kang kakilala ay ililibre mo ito o ililibre ka niya? Hinde naman siguro iniutos ng diyos na kelangan mong manlibre kapag may nakasabay ka sa jeep. Wala din ito sa batas ng ating pamahalaan. Paano kung isang beses pagsakay mo sa jeep ay may nakasabay kang kakilala tapos sakto wala kayong pera pareho. Sasabihin mo ba na "Pwedeng pass muna ko? wala na kong pera e hehe?". (-_-)
Kwek-kwek at Tokneneng. Ito ay isa sa mga pinagpapasalamat ko sa panginoon. Ang itlog ng pugo na binabalutan ng kulay kahel na hinalong harina at piniprito sa kumukulong mantika. Kung sino man ang unang nakaisip at magluto nito ito lang ang masasabi ko: Asteeg ka! saludo ako sa iyo! Kasi biruin mo ba naman kapag nagugutom ako at wala kong pera, ito ang pang-tawid gutom ko. Lalo na kung maikli lang ang break ko sa school ko.
Mura lang ito at siguradong abot-kaya kahit sino. Dati piso isang piraso nito, tapos tumaas ng piso'bentsingko. Hanggang sa maging dalawampiso na ito sa kasalukuyan (huhu). Pero abot-kaya pa din naman di ba? Ang sarap nito lalo na kapag binabad mo sa sukang may sibuyas, sili at ewan ko kung ano tawag dun sa isa pa. Meron din nitong upgraded version. Penoy naman ang gamit, mas malaki at mas malaman. Masarap din ito at siguradong mapapakalma ang gutom mong bituka.
Hanga din ako sa pangalan nito at sa nagpangalan nito. Ang galing e, madali siyang bigkasin at may pagka-catchy siya. Naiistretch din nito ang mga gilagid mo kapag binibigkas mo ito. Subukan mo: Tok-ne-neng; Ku-wek-Ku-wek. Magandang exercise ng bunganga. Sa'n nga kaya nanggaling ang pangalan nito? Bakit hinde din kilala ang lumikha nito? Bakit kaya wala kong makitang isang lathala ng kasaysayan ng kwek-kwek at tokneneng? Siguro nakatago sa isang organisasyon na binubuo ng mga nakaitim na tao ang nakatalang kasaysayan nito. Misteryoso.
Photography. Gusto kong matuto nito. Kaso wala naman akong camera. Matagal ko ng pinapangarap ito ngunit hinde kaya ng aking budget na makabili ng isang DSLR camera. Naisip ko na din magpanggap na nag-aagaw buhay at papaki-usapan ko ang kaibigan ko na sumulat sa wish ko lang para mabigyan katuparan ang pangarap ko. Pero sa tingen ko hinde nila ito pahihintulutan. huhu.
Kung magkakaroon man ako ng camera ngayon. Siguradong masaya ako siyempre. Pangarap kong kumuha ng mga larawan ng pagkain. Wala lang, naaaliw lang akong isipin na kuhanan ang mga masasarap na pagkain. Bawat angulong masarap siya tignan ay huhulihin ko sa camera ko. Gusto ko din kunan ang mga magagandang tanawin na binigay ng atin mother nature. Asteeg e, bago pa man sila mawala dahil sa mga pabayang tao, buti na yung mailigtas ko ang imahe nila kahit sa litrato lang. Gusto ko din kuhanan ang mga kakaibang eksena sa mga iba't ibang lugar na mabibisita ko sa buhay ko. Ang saya nun. Hay nako. Palimos naman ng camera.
Butiki. Napapansin kong dumadami ang butiki sa aming bahay. Lalo sa kwarto ko at sa banyo namin. Bigla-bigla na lang silang sumusulpot kung saan na aking ikinagugulat ko naman. Ano kaya meron ngayon at biglang dumami ang populasyon nila dito? Pero buti na lang at hinde ipis ang madami. Nako, kung sila ang dumami. Baka hinde ako nagsusulat ngayon dahil kasama ko sa giyera na pagpuksa sa kanila.
Minsan isang gabi, nagtagpo ang dalawang butiki sa sahig ng kwarto ko. Pinagmasdan ko sila. Hinihintay ko ang mangyayare sa pagtatagpo nila. Inaabangan ang bawat kilos na gagawin ng dalawang butiki. Isang puti at isang medyo kayumangging butiki. Isang foreigner at isang pilipino. Habang nakadapa ako sa kama ko at nakatingen sa sahig, nakita kong pabugso-bugso ang galaw ng dalawang butiki. Naisip ko din kung nakakapag-usap kaya sila. Meron kaya silang sarileng lenggwahe na sila lang ang nakakaintindi. Para lang akong nanunuod ng isang pelikula na may gumaganap na isang pares ng love team. Lumipas ang ilang oras ng paghihintay, ilang kaluskos at pagalaw lang ang nakita ko. Tinamad na kong tapusin. Binugaw ko na sila papalayo at natulog na lang ako. Pisteng butiki.
Pero parang nadi-dissappoint ako sa butiki, kasi hinde ko sila mahambalos ng tsinelas o ng dyaryo. Hinde naman ako pumapatay ng butiki, ipis lang. Saka ang sagwa naman siguro kapag dinurog mo yung butiki. Ano kayang itsura nun kapag napisak siya tapos kumalat ung mga natitira niyang laman loob. Kadire.
Oras. Marami na din pala kong minutong nasayang sa pagsusulat nito. At naalala ko yung sabi ng isang quiz sa facebook, yung "What is your phenomenal power gift?". Oo, yun nga ata yun. Sabi nya "You can control time.". Ang galing siguro nun kapag nakokontrol ko ang oras. Tutulungan ko ang mga nangangailangan at siyempre gagamitin ko yun sa pansarile kong interes.
Kapag alam kong mapupuyat ako sa gabi dahil may pagsusulit kami kinabukasan. Pahihintuin ko muna ang oras at matutulog ako. Tapos pagising ko saka ko magaaral. O kaya kapag examinasyon na. Pahihintuin ko uli ang oras hanggang sa matapos ko ang pagsusulit. Wala naman sigurong magrereklamo sa bagot. Bahala sila.
Tutulungan ko din ang mga taga-call center o may trabaho sa gabi. Pahahabain ko ang oras ng bakante nila at pabibilisin ko ang oras ng trabaho. O walang luge dun. Masaya pa ang lahat. Pero hinde ang pagcontrol sa oras ang pinapangarap ko. Kahit na maganda din siyang option. Ang gusto ko talaga ay teleportation. Tipid sa pamasahe at oras. Hinde na din ako mapapagod sa pakikipagsiksikan sa mga public transportation sa pilipinas. yehey!
Baraha. Wala lang. Naalala ko lang na malas ako sa baraha ngayon. Ilang poker game na din akong natalo kalaro ang barkada ko. (-_-)
Wala na kong maisip. Siguro tapos na ito. Maraming salamat!

Posted in butiki, teleportation | 0 comments