[Please insert title here]
Written on 5:26 PM by eLectroStatic
Aaminin ko sa inyo na walang kwenta itong babasahin niyo (kung babasahin niyo nga). Kung iniisip niyo na may mapupulot kayong aral dito, pwes nagkakamali kayo. Wala itong tema o kahit anong topic. Kung ano lang ang maisip ko yun lang ang ilalagay ko. Magandang araw at pasensya na sa abala. *bow*
Almusal. Ito ang pinaka-importanteng pagkain dapat kainin ng isang nilalang sa araw-araw. Dahil daw dito tayo kumukuha ng enerhiyang kelangan natin para sa buong araw. Mabilis din daw ang metabolism natin sa umaga kaya natutunaw ng maigi ng ating katawan ang pagkain isinubo at nilunok natin sa umaga. Mas nakakagawa daw ng maraming protina ang ating katawan dahil sa almusal. Kaya ewan ko ba kung bakit yung iba hinde kumakain ng almusal? Ako nga asar na asar na kapag hinde ako nakapag-almusal. Badtrip pa lalo pag-upo ko sa lamesa at wala kang makitang pagkain. Para bang maihahambalos ko ang lamesa gamit ang kanang kamay ko at ibabalibag ko naman ang upuan gamit ang kaliwang kamay ko. Tapos nagmamadali pa ako dahil late na ko sa school. Bad vibes na araw. (T_T)
Jeep. Siguro naranasan mo nang malibre sa jeep. Siyempre naman, sino bang hinde? Isang malaking pagkabagabag ang nararamdaman ko. Isang malaking misteryo kasi yung kapag may nakasabay ka sa jeep na kakilala mo na hinde naman kayo masyadong malapit sa isa't-isa tapos bigla ka na lang niyang ililibre ng pamasahe. Siya pa yung tipo na isang beses mo lang ata kinausap sa buong buhay mo. Kahit na ang pamasahe mo ay kasing halaga ng tatlong balik na halaga ng pamasahe niya, pilit ka pa din niyang ililibre.
Ang galing nga e, automatic yun, bigla-bigla na lang siyang bubunot ng pera kapag nakita ka na nya. Tatanungin ka niya bigla "Sa'n ka bababa?". Tapos ikaw naman makikipag-unahan din sa pagbunot dahil nahihiya ka na ilibre niya. Instant closeness kagad kayo, kakamustahin ka niya na para bang naging matalik kayong magkaibigan sa nakaraan. Sari-saring tanong na ikagugulat mo, kasi ang dami niyang alam sa iyo o sa pamilya mo.
Sige nga kung sino man ang nagbabasa nito ngayon at may kaalaman tungkol sa bagay na ito ay paki-eksplena mo sa akin kung bakit sa tuwing may makakasabay kang kakilala ay ililibre mo ito o ililibre ka niya? Hinde naman siguro iniutos ng diyos na kelangan mong manlibre kapag may nakasabay ka sa jeep. Wala din ito sa batas ng ating pamahalaan. Paano kung isang beses pagsakay mo sa jeep ay may nakasabay kang kakilala tapos sakto wala kayong pera pareho. Sasabihin mo ba na "Pwedeng pass muna ko? wala na kong pera e hehe?". (-_-)
Kwek-kwek at Tokneneng. Ito ay isa sa mga pinagpapasalamat ko sa panginoon. Ang itlog ng pugo na binabalutan ng kulay kahel na hinalong harina at piniprito sa kumukulong mantika. Kung sino man ang unang nakaisip at magluto nito ito lang ang masasabi ko: Asteeg ka! saludo ako sa iyo! Kasi biruin mo ba naman kapag nagugutom ako at wala kong pera, ito ang pang-tawid gutom ko. Lalo na kung maikli lang ang break ko sa school ko.
Mura lang ito at siguradong abot-kaya kahit sino. Dati piso isang piraso nito, tapos tumaas ng piso'bentsingko. Hanggang sa maging dalawampiso na ito sa kasalukuyan (huhu). Pero abot-kaya pa din naman di ba? Ang sarap nito lalo na kapag binabad mo sa sukang may sibuyas, sili at ewan ko kung ano tawag dun sa isa pa. Meron din nitong upgraded version. Penoy naman ang gamit, mas malaki at mas malaman. Masarap din ito at siguradong mapapakalma ang gutom mong bituka.
Hanga din ako sa pangalan nito at sa nagpangalan nito. Ang galing e, madali siyang bigkasin at may pagka-catchy siya. Naiistretch din nito ang mga gilagid mo kapag binibigkas mo ito. Subukan mo: Tok-ne-neng; Ku-wek-Ku-wek. Magandang exercise ng bunganga. Sa'n nga kaya nanggaling ang pangalan nito? Bakit hinde din kilala ang lumikha nito? Bakit kaya wala kong makitang isang lathala ng kasaysayan ng kwek-kwek at tokneneng? Siguro nakatago sa isang organisasyon na binubuo ng mga nakaitim na tao ang nakatalang kasaysayan nito. Misteryoso.
Photography. Gusto kong matuto nito. Kaso wala naman akong camera. Matagal ko ng pinapangarap ito ngunit hinde kaya ng aking budget na makabili ng isang DSLR camera. Naisip ko na din magpanggap na nag-aagaw buhay at papaki-usapan ko ang kaibigan ko na sumulat sa wish ko lang para mabigyan katuparan ang pangarap ko. Pero sa tingen ko hinde nila ito pahihintulutan. huhu.
Kung magkakaroon man ako ng camera ngayon. Siguradong masaya ako siyempre. Pangarap kong kumuha ng mga larawan ng pagkain. Wala lang, naaaliw lang akong isipin na kuhanan ang mga masasarap na pagkain. Bawat angulong masarap siya tignan ay huhulihin ko sa camera ko. Gusto ko din kunan ang mga magagandang tanawin na binigay ng atin mother nature. Asteeg e, bago pa man sila mawala dahil sa mga pabayang tao, buti na yung mailigtas ko ang imahe nila kahit sa litrato lang. Gusto ko din kuhanan ang mga kakaibang eksena sa mga iba't ibang lugar na mabibisita ko sa buhay ko. Ang saya nun. Hay nako. Palimos naman ng camera.
Butiki. Napapansin kong dumadami ang butiki sa aming bahay. Lalo sa kwarto ko at sa banyo namin. Bigla-bigla na lang silang sumusulpot kung saan na aking ikinagugulat ko naman. Ano kaya meron ngayon at biglang dumami ang populasyon nila dito? Pero buti na lang at hinde ipis ang madami. Nako, kung sila ang dumami. Baka hinde ako nagsusulat ngayon dahil kasama ko sa giyera na pagpuksa sa kanila.
Minsan isang gabi, nagtagpo ang dalawang butiki sa sahig ng kwarto ko. Pinagmasdan ko sila. Hinihintay ko ang mangyayare sa pagtatagpo nila. Inaabangan ang bawat kilos na gagawin ng dalawang butiki. Isang puti at isang medyo kayumangging butiki. Isang foreigner at isang pilipino. Habang nakadapa ako sa kama ko at nakatingen sa sahig, nakita kong pabugso-bugso ang galaw ng dalawang butiki. Naisip ko din kung nakakapag-usap kaya sila. Meron kaya silang sarileng lenggwahe na sila lang ang nakakaintindi. Para lang akong nanunuod ng isang pelikula na may gumaganap na isang pares ng love team. Lumipas ang ilang oras ng paghihintay, ilang kaluskos at pagalaw lang ang nakita ko. Tinamad na kong tapusin. Binugaw ko na sila papalayo at natulog na lang ako. Pisteng butiki.
Pero parang nadi-dissappoint ako sa butiki, kasi hinde ko sila mahambalos ng tsinelas o ng dyaryo. Hinde naman ako pumapatay ng butiki, ipis lang. Saka ang sagwa naman siguro kapag dinurog mo yung butiki. Ano kayang itsura nun kapag napisak siya tapos kumalat ung mga natitira niyang laman loob. Kadire.
Oras. Marami na din pala kong minutong nasayang sa pagsusulat nito. At naalala ko yung sabi ng isang quiz sa facebook, yung "What is your phenomenal power gift?". Oo, yun nga ata yun. Sabi nya "You can control time.". Ang galing siguro nun kapag nakokontrol ko ang oras. Tutulungan ko ang mga nangangailangan at siyempre gagamitin ko yun sa pansarile kong interes.
Kapag alam kong mapupuyat ako sa gabi dahil may pagsusulit kami kinabukasan. Pahihintuin ko muna ang oras at matutulog ako. Tapos pagising ko saka ko magaaral. O kaya kapag examinasyon na. Pahihintuin ko uli ang oras hanggang sa matapos ko ang pagsusulit. Wala naman sigurong magrereklamo sa bagot. Bahala sila.
Tutulungan ko din ang mga taga-call center o may trabaho sa gabi. Pahahabain ko ang oras ng bakante nila at pabibilisin ko ang oras ng trabaho. O walang luge dun. Masaya pa ang lahat. Pero hinde ang pagcontrol sa oras ang pinapangarap ko. Kahit na maganda din siyang option. Ang gusto ko talaga ay teleportation. Tipid sa pamasahe at oras. Hinde na din ako mapapagod sa pakikipagsiksikan sa mga public transportation sa pilipinas. yehey!
Baraha. Wala lang. Naalala ko lang na malas ako sa baraha ngayon. Ilang poker game na din akong natalo kalaro ang barkada ko. (-_-)
Wala na kong maisip. Siguro tapos na ito. Maraming salamat!