Kwentong walang saysay.
Written on 3:14 AM by eLectroStatic
Unang linya pa lang hinde ko na alam ang ilalagay ko. Eto ay inaalay ko sa kapateed~ ko na katulad ko din sigurong nababagot ngayon. Sana ay malibang ka sa isusulat kong ito kung babasahin mo man. Sana hinde mo pagsisihan ang ilang minutong masasayang mo sa pagbabasa nito. Ngayon pa lang humihinge na ko ng pasensya dahil sa tingen ko wala kang makukuhang aral dito at siguradong masasayang ko lang ang oras mo. -_-
Pero teka, nahihirapan akong isipin ang mga ilalagay dito. Isang maikling kwento ba? listahan ng utang? Mga bagay na walang kwenta? Ano nga? Ah ewan, sige bahala na kung ano ang maisulat ko dito. Isipin ko na lang na bibitayin na ko bukas kaya kelangan kong tapusin ito bago maghatinggabi.
ok game.
dear kapateed, kamusta ka na? alam mo ba, ilang minuto din akong natigil sa linyang to dahil naubusan ako ng sasabihin. Sige itutuloy ko na. Hmmm, ano kaya ginagawa mo ngayon? Hulaan ko. hmmmmmmmm. Wala hinde ko alam. Mahina ang stalker powers ko ngayon. Kwentuhan na lang kita ng mga walang saysay na bagay na napapansin ko.
Chicken doodles. Naalala ko lang ang almusal mo nung isang araw. With egg pa yun diba? Dati din akong masugid na tirador ng mga Pancit canton at Noodles sa tindahan. Sa halagang bente pesos makakabili na ko ng dalawang pansit canton na may kasamang RC cola. Katorse ang dalawang lucky me pancit canton at sais pesos naman ang isang RC cola na maliit. Maumay-umay na ko nun sa busog. Minsan naman dalawang lucky me noodles naman. Dalawang chicken flavor. Ayoko kasi nung beef, masyadong malasa. Sa halagang disi-sais pesos, may dalawang lucky me noodles na ko. Kaso walang kasamang drinks. Ok lang kasi may sabaw naman yung noodles e. Pero hinde ko sila sabay niluluto. Paisa-isa lang muna para sa gabi meron pa. Ayan may nalaman ka nanaman isang walang katuturang bagay sa buhay ko.
Cheetah. Eto yung nginangata ko buong gabi kahapon. Makunat na siya. Napagod ang gilagid ko kakanguya. Inaabot ng limang minuto bago ko madurog ang isang piraso niya. At sa sobrang alat niya tingen ko may sakit na ko sa bato. Wag naman sana.
Alam mo ba? Ayokong ayoko umuulan kapag may pasok. Kasi naiireta ko kapag nababasa ako. Hinde naman sa hinde ako naliligo pero ayoko lang talagang mabasa ng tubig ulan. Hinde siya kumportable sa pakiramdam. Parang nakakadire gumalaw kapag nababasa ang damit ko ng angge ng ulan. Lalo na kapag lalakarin ko na mula central station hanggang intramuros. Nako dyahe! Parang gusto ko na lang umuwe o kaya hatakin yung prof ko sa labas at siya ang hayaan ko mabasa. Wala lang naikwento ko lang. Nagbuhos ng sama ng loob hehe.
Kanina ko pa gustong iumpog ang sarile ko sa pader. Wala lang, galit ako sa pader. kasi sa dami dami ng bagay naging pader pa siya. Wala ng saysay ang sinasabe ko. Epekto ng walang tulog. Nagugutom na din ako. Pagpasensyahan mo na.
Kwek-kwek. Nabanggit ko nanaman to. Kasi sabi mo ililibre mo ko kapag nagkita tayo. haha! (pinapaalala ko lang). May natuklasan akong bago sa kwek-kwek, at yun ay ang pagsawsaw sa suka at yung sarsang tinimpla ng tindero na sigurado ako ng siya lang ang nakakaalam kung paano magtimpla nun. (Well, pagdasal mo na lang na magaling magtimpla yung bibilihan mo hehe). Yun lang.
Pisbol at kikiam. Meron sa intramuros, at suki din ako nito. Hinde ko alam kung ano tawag dun sa mala-bahay na itsura na yun. Parang store cart ata. Kasi hinde naman siya yung pipitsugin na kariton na madalas mong nakikita sa mga kanto. Mobile kariton na siya na parang bahay. Maliit lang siya. Asteeg nga e. Mabalik sa Pisbol at kikiam. Meron kaming tinatawag dito na "Mix". Yun yung magkasamang pisbol at kikiam sa isang stick. Sa halagang 5pesos, meron ka nang tatlong pisbol at isang pirasong jumbo kikiam. At may libre pang amusement yun dahil hahanga ka sa bilis ng kamay ni ate sa paggawa nun. Para bang pinanganak siyang may ganun talento. Siguro kaya nyang gumawa ng 200+ na mix sa loob lang ng 30mins. Meron pa, ang 3 sawsawan ng masa. Kung masusubukan mong kumain ng mix asahan mo na ipasusubok ko sayo lahat ng tatlong sawsawan na yun. Parang ganto yun e, easy, medium at hard. Parang video game diba? Kung pinili mo ang easy, ang sawsawan na tama lang. Malalasahan mo ang sarap at siguradong uulit ka pa ng isa pang mix. Isang matamis na sauce lang yun na may halong secret ingredients. Kung gusto mo naman eh yung medyo may challenge, subukan mo ang medium. ito ay ang matamis na sawsawan na may halong kalamansi na kasama ang buto at balat. Dahil siguradong may sasamang buto ng kalamansi sa mix mo kapag nagsawsaw ka dito. Ang dami nung kalamansi, kapansin-pansin. Kung ika'y palaban at tatanggapin ang kahit anong hamon. Yung tipong kaya mong makipagsabayan sa mga castaways ng survivors o di kaya'd kayang tanggapin ang kahit anumang hamon sa pinoy fear factor, subukan mo ang hard. Ang isang garapon ng sili at kalamansi na hinaluan ng matamis na sawsawan. Oo baliktad, yung sawsawan ang inihalo. Naliligo sa buto ng sili, buto ng kalamansi, balat ng sili ang garapon nito. Kapag natikman mo to siguradong mapapasigaw ka at mapapamura sa sobrang anghang! as in! pare! Mapapabili ka kagad ng isang litrong softdrinks sa malapit na tindahan. At kulang pa yun para mawala ang anghang. Aabutin siguro ng ilang oras bago mawala at makalimutan mo ang lasa nito. Isang binyag para sa mga 1st time mix-eaters na matikman ang sobrang anghang na sauce na yun. At dahil natikman mo na yun, meron ka ng pahintulot para mag-aya ng mga kakilala mo na hinde pa nakakatikim dun. Pwede mo din na iganti sa kanila ang sarap nanaramdaman mo sa mga sauce. (it's payback time beybeh!)
Tambayan ko. Tinatawag itong "kantunan" sa eskwelahan namin. Dahil sa isang iskinita tabi mismo ng eskwelahan ay isang hilera ng mga mobile store cart na parang bahay (mas malaki kesa sa mix cart) ang nagtitinda ng sari-saring lucky pancit canton at nissin yakisoba. Sari-saring pare-pareho. At may mga side vendors din ng mga yosi at kendi. Dito sa lugar na ito mo makikita ang mga estudyanteng matipid at may bisyo. Dahil sa mura lang ang pagkain dito at kumportable ang mga estudyanteng medyo hinde masipag mag-aral dito. Siguro isa din ako sa kanila dahil dito ko kumakain at minsan tumatambay na din. Hinde lang puro panset ang tinitinda dito. Ngayon kasama na sa menu ang rice with ulam. Pasensya na kung hinde ko masabi dito ang kumpletong menu ng lahat ng stalls dun. Yung sa mga suki na lang namin.
Ate Digna. Siya ang kilalang may-ari ng stall na kinakainan namin ng barkada. Siya ay palangiti at alam kung pano humatak ng mga customer, lalo na kung freshmen pa ang mga ito. Pangatlong tindahan siya mula sa bungad ng iskinita. Siguradong hinde mo siya malalampasan dahil babatiin ka kagad niya ng may matining na boses ng "Kaeeeeen, kaen ka?". Si Ate Digna ay may lahing ilokano, (ilokano nga ba yun?). Napansin ko dahil nung isang beses ako bumili ng sparkle, narinig ko ang sinabi nya. "SPARKOL!". Oo, wag mo sanang pagtawanan. Kasi pawang katotohanan ang sinasabi ko. Di ba ilokano yun ganung punto? At nung kalaunan, sinabi na din saken ng barkada kong ilokano na magkababayan sila ni Ate Digna.
Mapunta tayo sa menu ni Ate Digna. Siyempre kasama dun ang Lucky me Pancit Canton, all flavors, at Nissin Yakisoba, all flavors din. Hinde pwedeng mawala yun dahil siguradong mapapatalsik sila dun kapag hinde sila nagbenta ng pansit. Andiyan din ang foot-long. Madalas ang inoorder ng estudyante ay half-long na whole. *labo*. Ewan ko, narinig ko lang e. Meron din spateggi with secret ingredients sauce. At ang huli ay ang "W/egg w/rice w/drinks menu". Isa-isahin ko sila teka.
Canton at Yakisoba. Eto ang pinakamalakas na kumita sa mga binebenta dun. Dalawang pancit plain, dalawang kalamansi, dalawang chilimansi. Yan ang regular combo ng mga pansit. Sa mga yakisoba naman, dalawang spicy chicken at dalawang beef. Kung gusto mo ay medyo kakaiba, pwede rin ang pancit-yakisoba combination. Parang fushion, goku at vegetta naging Gogita. Ikaw na bahala kung ano ang gusto mong pagsamahin. Sa ibang tindahan sumasayaw pa ang nagluluto habang binubuksan ang mga pancit canton. (pinapalo nila para pumutok ito at mabuksan ng tama. *pop*). Sa entertainment section yun. Pwede mo din haluan ng coleslaw ang pancit mo.
Spagetti w/ half-long. Isa din yan sa mga mabentang kumbinasyon ng menu. Kapag sawa na kami sa canton at yakisoba, meron pang spaghetti pamalit. Syempre bawal kumain ng spaghetti kapag gutom, kaya kelangan mong sabayan ng half-long. Saka para sulit talaga.
W/egg W/rice W/drinks menu. Malakas ang benta nito kapag sa tanghalian. May dahilan kung bakit ganyan ang tawag ko diyan. Lahat kasi ng ulam na pagpipilian ay karugtong yan w/egg w/rice w/drinks na yan (rofl). Natawa talaga kami nung una namin makita yan ng barkada. Asteeg e, catchy. Panghatak ng masa. Oorder ka ng ulam, kunwari tapa. Kelangan ganto ang sabihin mo. "Ate tapa w/egg w/rice w/drinks." Oo kelangan kumpleto. Kung hinde di ka mapapansin ni Ate. pero pauso ko lang yun, baka gawin mo nga. Ang mga ulam ay Tapa, tocino, chicken, Tuna, corned beef at sisig. Kung ako tatanungin mo, ang peborit ko sa lahat ay ang sisig nila. Sisig kapampangan daw yun kaya masarap. Ewan ko ba, ang sarap niya e. Kahit nag-umagahan na ko sa bahay, kumakain pa din ako dun pagtapos ng 1st class ko ng 730-9am. At nakaka 2 1/2 rice ako lage. Grabe. Minsan pinagtitinginan na ko dun ng mga ibang suki dahil ang tagal ko kumain. Hinde kasi halata sa katawan ko na malakas ako kumain. boo!
Ayan, tapos ko na ang aking kwento. Sana nalibang ka kahit papaano. At 10:30pm lang, maaga ko sa deadline na 12am. O siya, sa susunod ko na lang ikukuwento yung ibang tambayan ko dun kapateed~. *powerhugs*

salamat kapateed~ *powerhugs*
nakakatuwa ang post mo haha, 'SPARKOL' ganyan din sa bisaya minsan. *okok* hahaha~