50 Random facts about me and this world..
Written on 7:25 PM by eLectroStatic
Eto ang mga ilang katotohanan sa araw-araw kong buhay sa pagalaw ko sa mundong ito.
- Ako si Kurt
- Mahilig ako sa pagkain
- Baguhan ako sa pagbablog.. pasensya!
- Makalat ang kwarto ko
- Tamad akong tao
- Hinde ko gusto ang mundo
- Hinde rin naman nya ko gusto.. quits lang.
- Nagsisimula ang araw ko sa pagligo.. kapag may pasok
- Kapag naman sa bahay lang ako.. asahan mong natutulog lang ako..
- Ako'y may ilang kaalaman sa pagtugtog
- Bahista ako ng bandang "Digby's Internet Phenomenon"
- Isa ko sa napakaraming tarantadong kabataan sa pilipinas
- Masayahin ako
- Ayoko sa posero
- Ayoko sa Jonas Bros.. kadire
- Gusto ko si Taylor Swift
- Hinde ako emo
- Loser ako
- Nakalimutan ko na magbanggit about this world
- Iisa ang takbo ng mundo
- Araw-araw walang pagbabago
- Nakakatamad lang
- Lagi kong dala ang ipod ko para nde ko marinig ang kabullshitan ng mundo
- Mahilig sa musika
- Miyembro ako ng "Samahang mahilig sumiksik sa lrt pagpasok"
- Wala kong interes sa pag-ibig ngayon
- Gusto ko ang sumakay sa jip
- At nagbabayad naman ako ng tama pero minsan hinde ako nagbabayad
- Natutuwa ko sa mga tindero/tindera ng yosi at kanton sa eskwelahan namin
- Gusto ko ang amoy ng kalamansi
- Di ko maintindihan kung bakit gusto ko din ang amoy ng gasolina
- Bakit kaya hinde pa din nagbaba ng pamasahe?
- Nahihirapan na ko magisip ng ilalagay ko dito
- Masarap kumain ng Chinese cuisine.. panalo saken ang yang chow at stir fried spinach w/ garlic sauce. yum yum!
- Ewan ko ba kung bakit hinde ko magustuhan ang pagkain ng hapon
- Naiinis ako sa mga bagay na hinde naman dapat kainisan
- Hinde ko maintindihan kung bakit may vain na lalake.. bading ba sila?
- Hopeless romantic
- Hinde ako vain
- Hinde naman ako masamang tao.. Gusto ko lang talagang manlait
- Mahilig sa Manga at Anime
- Ayoko ng Physics at Math.. Eh bakit nasa engineering course ako?
- Marami na masyado ang mga posero at posera sa mundo
- Walang kwenta ang gobyerno at media sa pilipinas
- Hinde sapat ang pera ko para makabili ng aking mga kelangan
- Galit ako sa mga pasahero ng jip na kung umupo eh tatlong tao ang katumbas nila
- Galit din ako sa monumento station na walang ginawa kundi magskip-train
- Hinde mo ko mapipigil na magFB, magplurk, at magbukas ng online manga sites
- Tamad ako magaral pero pinipilit ko ng baguhin to
- Hinde ko maisip ang tagalog ng refrigerator, crane, hamburger, bacon at hotdog

Haha.
38. Hopeless Romantic --> *apir* (cozy)